top of page
Writer's pictureElizha Corpus

Bakit ba namin ginagawa ang #TeamTalkTuesday pati sa wikang Filipino?

Kilala ang Toyota sa paggamit ng andon cord. Tuwing may makikitang anumang paglilihis o kaibahan sa kanilang pamantayan, maaaring hilahin ng sinumang manggagawa roon ang kurdon upang patigilin ang assembly line (karagdagang kaalaman: maraming pabrika ang lumipat sa paggamit ng pindutan imbes na kurdon, ngunit pareho lamang ang gamit nila).


Isang manggagawa na hinihila ang andon cord

Sumikat ang metodong ito sapagkat nabigyan ang mga manggagawa ng karapatan AT OBLIGASYON na magsalita tungkol sa mga problema. Gayumpaman, higit pang nakapagpapatangi sa pamamaraang ito angmga pangyayaring kasunod sa paghila ng kurdon.


Kapag nahila ang andon cord ng isang manggagawa, lalapit ang team leader at magtatanong kung bakit ito nangyari. Magtutulungan silang lahat, at magdadala pa ng mas malaking pangkat paminsan-minsan, upang malutas ang problema at mapabuti ang kanilang trabaho.






Ano ang kaugnayan ng kuwentong ito ng Toyota sa #TeamTalkTuesday?


Dahil sa andon cord, nabibigyan ang mga empleyado ng mga kasangkapang kailangan upang matukoy ang isang problema. Nabibigyan sila ng mga kasangkapan upang makapagsimula ng diskusyon kung bakit nangyari ang problema at kung ano ang maaaring gawin tungkol doon.


Sa pamamagitan ng #TeamTalkTuesday, nais naming magbigay ng andon cord para sa lahat ng mga empleyado, ano pa man ang kanilang ranggo o pinanggagalingan. Ang mga konsepto at ang mga pang-udyok na katanungan ay ang mga kasangkapang maaari ninyong gamitin upang makapagsimula ng talakayan sa loob ng inyong mga pangkat. Maari ninyong gamitin ang mga ito kung sa tingin ninyong kailangang harapin ang isang problema, at kailangan ninyo ng paraan na mapag-usapan ito.


Simula ngayong buwan, kami ay magbibigay ng mga #TeamTalkTuesday sa wikang Ingles at Filipino. Sa ganitong pamamaraan, maaari itong magamit bilang mga kasangkapan ng mas maraming tao mula sa iba’t ibang kalagayan o konteksto. May kakayahan kayong gumamit ng wikang pinakakomportable para sa inyo at sa mga miyembro ng inyong pangkat.


Umaasa kaming makatutulong ang mga kasangkapang ito bilang inyong andon cord na magsisimula ng pagbuo ng inyong ninanais na kultura ng inyong pangkat.




Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page